|
Awit ng Pag-asa
-Tambisan sa Sining-
|
MORE SONGS AND LYRICS
|
Intro- C-Em-F-G
C Em F G
Kahit kay haba ng lalakbayin
C G F G
Daang tag-araw man ang humagupit
Am Em F C
kahit ilang libong tag-ulan ang sumapit
Dm C
hinding hindi tayo titigil
C Em F G
Dahil mithi natin'y palayain
C G F G
bawat isa sa pagkaalipin
Am Em F C
Sa gitna man ng gutom kahirapat pasakit
Dm C
hinding-hindi tayo susuko
Ref
Am Em
Kahit na may bagyo at may unos
F C
kahit may libo-libong kaaway
Dm Am
kahit na magapi at isa ang matira
F C
sa ating dakilang hanay
Am Em
Tayong manggagawa at magsasaka
F C
Sambayanan muling babangon
Dm Am
ipagtatagumpay ang bawat labanan
F C - G
sa buong daigdig
Kahit hadlangan ng libong armas
Ang ating hukbo ay hindi aatras
Lakas ng masa ang ating sandigan
Saan mang laranga't digmaan
|
OPEN LETTERS TO FILIPINO ARTISTS
|
Emmanuel Lacaba
|
A poet must learn how to lead an attack. - - Ho Chi Mhin
I
Invisible the mountain routes to strangers;
For rushing toes an inch-wide steep on boulders
And for the hand thats free a twig to grasp,
Or else headlong fall below to rocks
And water falls of death so instant that
Too soon theyre with skulls of carabaos.
But patient guides and teachers are the masses:
Of forty mountain and a hundred rivers;
Of plowing, planting, weeding and the harvest;
And of a doven dialects that dwarf
This foreign tongue we write each other in
Who must trancend our bourgeois origins.
1 May 1975
South Cotabato
II
You want to know, companions of my youth,
How much has changed the wild but shy poet
Forever writing last poem after last poem;
You hear hes dark as earth, barefoot,
A turban round his head, a bolo at his side,
His ballpen blown up to a long barreled gun:
Deeper still the struggling change inside.
Like husks of coconut he tears away.
The billion layers of selfishness.
Or learns to cage his longing like the bird
Of legend, fire, and a song within his chest.
Now of consequence is his anemia
From lack of sleep: no longer bohemia,
The lumpen culturati, but for the people, yes.
He mixes metaphors but values more
A holographic and geometric memory
For mountains: not because they are there
But because the masses are there where
Routes are jigsaw puzzles he must piece together.
Through he has been called a brown Rimbaund,
He is not a bandit but a peoples warrior.
Nobyembre 1975
South Cotabato, Davao del Sur
III
We are tribe less and all tribes are ours.
We are homeless and all homes are ours.
We are nameless and all names are ours.
To the fascist we are the faceless enemy
Who are like thieves in the night, angels of death:
The ever-moving, shining, secret eye of the storm,
The Road less traveled by weve taken
And that has made all the difference:
The barefoot army of the wilderness
We all should be in time.
Awakened, the masses are messiah.
Here among workers and peasants our lost
Generation has found its true, its only, home.
Enero 1976
Davao del Norte
Other Poems by Emmanuel Lacaba
|
SONG LYRICS
|

|
AWIT NG KMU
AWIT NG PAG-ASA
Awit ng Proletaryado
AWIT NG TAGUMPAY
ARAW NG MANGGAGAWA
BAYAN NAMING MINAMAHAL
ANG DAKILANG PAKIKIBAKA
AWIT NG KMU
SAAN MANG SULOK NG BAYAN
BANDILANG PULA AY WINAWAGAYWAY
NG URING MANGGAGAWA
ANG HUKBONG MAPAGPALAYA
TAGLAY ANG DIWANG PALABAN
HANDANG MAGTANGGOL SAAN MANG LABANAN
HANGGAT MAY URING NAGSASAMANTALA
PATULOY ANG ATING PAKIKIBAKA
KORO:
SA LUZON, VISAYAS, MINDANAO
DUMADAGUNDONG ANG MGA SIGAW
SA PABRIKA, SA NAYON AT KALUNSURAN
KILUSANG MAYO UNO AY LUMALABAN
SA LUZON, VISAYAS, MINDANAO
DUMADAGUNDONG ANG MGA SIGAW
SA PABRIKA, SA NAYON AT KALUNSURAN
KILUSANG MAYO UNO AY LUMALABAN
SA BAWAT PAGKILOS AT PAGPAPASYA
MULAT ANG ISIPAN AT NAGKAKAISA
KATAPANGAN, DISIPLINA SA PAKIKIBAKA
LAGING TATAGLAYIN HANGGANG LUMAYA
CHANT:
KUMILOS MANGGAGAWA!
LIKHAIN ANG KASAYSAYAN!
MAPAGSAMANTA, DURIGIN NG TULUYAN!
KUMILOS MANGGAGAWA!
LIKHAIN ANG KASAYSAYAN!
MAPAGSAMANTA, DURIGIN NG TULUYAN!
KAHIT SA PANAHONG KAY DILIM
LANDAS NG PAGLAYA LAGING LALAKBAYIN
HANGGANG ANG LIWANAG AY ATING MARATING
BAGONG BUKAS AY SASALUBUNGIN
KORO:
SA LUZON, VISAYAS, MINDANAO
DUMADAGUNDONG ANG MGA SIGAW
SA PABRIKA, SA NAYON AT KALUNSURAN
KILUSANG MAYO UNO AY LUMALABAN
SA LUZON, VISAYAS, MINDANAO
DUMADAGUNDONG ANG MGA SIGAW
SA PABRIKA, SA NAYON AT KALUNSURAN
KILUSANG MAYO UNO AY LUMALABAN
KILUSANG MAYO UNO AY LUMALABAN
|
SONG LYRICS
|
Awit ng Pag-asa
|
Awit ng Pag-asa
Kahit kay haba ng lalakbayin
Daang tag-araw man ang humagupit
Kahit ilang libong tag-ulan ang sumapit
Hinding-hindi tayo titigil
Dahil mithi natiy palayain
Bawat isa sa pagka-alipin
Sa gitna man ng gutom, kahirapa’t pasakit
Hinding-hindi tayo susuko
Koro:
Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libo-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
Kahit hadlangan ng libong armas
Ang ating hukbo ay hindi aatras
Ang lakas ng masa ang ating sandigan
San mang larangat digmaan
Koro:
Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libo-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libo-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
|
|
Awit ng Proletaryado
|
Awit ng Proletaryado
Daang taong hinubog mo
Mga lipunan sa mundo
Ang kabihasnan ay naitatag
Sa dugo at pawis mo
Mga palasyo ng hari
Ikaw ang nagtayo
Ikaw rin ang humukay ng mga
Palamuting ginto
Koro:
Pasan-pasan mo ang hirap
Sa daan-daang taon
Walang dangal
Walang bukas
Alipin ng mga panginoon
Pasan-pasan mo ang hirap
Sa daan-daang taon
Walang dangal, walang bukas
Alipin ng mga panginoon
Mga yamang nilikha mo
Tangi nilang luho
Tuwang-tuwa, nagpapasasa
Sa mga paghihirap mo
Kaya sa araw ring ito
Ikaw ay magpasya
At sa lakas ng proletaryo
Wakasan pagsasamantala
Koro:
Pasan-pasan mo ang hirap
Sa daan-daang taon
Walang dangal, walang bukas
Alipin ng mga panginoon
Pasan-pasan mo ang hirap
Sa daan-daang taon
Kaya dapat bumangon ka
Lipulin ang mga panginoon
Kaya dapat bumangon ka
Lipulin ang mga panginoon
|
|
AWIT NG TAGUMPAY
|
AWIT NG TAGUMPAY
BANGON BAYAN TAYOY MAGWAWAGI
ABOT TANAW ANG BAGONG ARAW
PUSO, DIWA NG BAYANG DINUSTA
SUMISIGAW HUSTISYA AT PAGLAYA NG BAYANG
API WALANG KATARUNGAN DAAN TAONG HAWAK NG DAYUHAN
SULONG BAYAN TAYOY MAGWAWAGI
ATING YAMAN LAGING IPAGLABAN
LUPA, LANGIT, DAGAT KABUNDUKAN
NASA KAMAY NG MGA DAYUHANG MAPANG-API
GANID, MAPAGSAMANTALA
KAPIT-BISIG, HINDI MALULUPIG
SUMULONG KA BAYAN, TAYO NGAYOY LALABAN
UBOD LAKAS ANG TINIG,ISISIGAW ANG SULONG
TIBAYAN ANG HANAY, GAPIIN ANG KAAWAY (2X)
SULONG BAYAN TAYOY MAGWAWAGI,
IPAGLABAN ATING KARAPATAN
HILAGA, TIMOG, SILANGAT KANLURAN
BAWAT SULOK NG BAYAY NAGKAKAISANG TUNAY
ANG BUONG KAPULUAN
KAPIT-BISIG HINDI MALULUPIG
BANGON, SULONG BAYAY MAGWAWAGI,
SABAY-SABAY SIGAW NG TAGUMPAY
LUNSOD, BARYO,ESKWELAT PABRIKA
IHUHUDYAT SIGAW NG KALAYAAN NG BAYANG
MAY APOY SA DIWA AT DIBDIB
KAPIT-BISIG HINDI MALULUPIG
SUMULONG KA BAYAN TAYO NGAYOY LALABAN
UBOD LAKAS ANG TINIG ISISIGAW ANG SULONG
SUMULONG KA BAYAN TAYO NGAYOY LALABAN (4X)
ARAW NG MANGGAGAWA
Harapin araw ng pakikibaka
Ang lakas nasa pagkakaisa
Taglay natin ang isang panata
Igupo ang mapagsamantala
Bukas ay isang malayang umaga
Koro:
Itoy araw ng kabayanihan
tayoy di magagapi kailan pa man
Maghirap man o magbuwis ng buhay
Sa pakikibaka tiyak magtatagumpay
Itoy araw ng kabayanihan
Tayoy di magagapi kailan pa man
Maghirap man o magbuwis ng buhay
Sa pakikibaka tiyak magtatagumpay
Ang kalabay maglaan anumang bitag
Pagdusta, parusa o pamamaslang
Itakwil antin lahat ang pahirap
Kaapihan atin nang bigyang wakas
Ang katarungan ay ating lakas
Koro:
Itoy araw ng kabayanihan
Tayoy di magagapi kailan pa man
Maghirap man o magbuwis ng buhay
Sa pakikibaka tiyak magtatagumpay
Itoy araw ng kabayanihan
Tayoy di magagapi kailan pa man
Maghirap man o magbuwis ng buhay
Sa pakikibaka tiyak magtatagumpay
Yamay ating likha anot busabos
Ating kalayaan, bakit nakagapos
Ang lakas natin bakit dinudurog
Katarungan! Ang sigaw ng nalugmok
Katarungan! Tayo rin ang tutubos
BANGON BAYAN TAYOY MAGWAWAGI
ABOT TANAW ANG BAGONG ARAW
PUSO, DIWA NG BAYANG DINUSTA
SUMISIGAW HUSTISYA AT PAGLAYA NG BAYANG
API WALANG KATARUNGAN DAAN TAONG HAWAK NG DAYUHAN
SULONG BAYAN TAYOY MAGWAWAGI
ATING YAMAN LAGING IPAGLABAN
LUPA, LANGIT, DAGAT KABUNDUKAN
NASA KAMAY NG MGA DAYUHANG MAPANG-API
GANID, MAPAGSAMANTALA
KAPIT-BISIG, HINDI MALULUPIG
SUMULONG KA BAYAN, TAYO NGAYOY LALABAN
UBOD LAKAS ANG TINIG,ISISIGAW ANG SULONG
TIBAYAN ANG HANAY, GAPIIN ANG KAAWAY (2X)
SULONG BAYAN TAYOY MAGWAWAGI,
IPAGLABAN ATING KARAPATAN
HILAGA, TIMOG, SILANGAT KANLURAN
BAWAT SULOK NG BAYAY NAGKAKAISANG TUNAY
ANG BUONG KAPULUAN
KAPIT-BISIG HINDI MALULUPIG
BANGON, SULONG BAYAY MAGWAWAGI,
SABAY-SABAY SIGAW NG TAGUMPAY
LUNSOD, BARYO,ESKWELAT PABRIKA
IHUHUDYAT SIGAW NG KALAYAAN NG BAYANG
MAY APOY SA DIWA AT DIBDIB
KAPIT-BISIG HINDI MALULUPIG
SUMULONG KA BAYAN TAYO NGAYOY LALABAN
UBOD LAKAS ANG TINIG ISISIGAW ANG SULONG
SUMULONG KA BAYAN TAYO NGAYOY LALABAN (4X)
ARAW NG MANGGAGAWA
Harapin araw ng pakikibaka
Ang lakas nasa pagkakaisa
Taglay natin ang isang panata
Igupo ang mapagsamantala
Bukas ay isang malayang umaga
Koro:
Itoy araw ng kabayanihan
tayoy di magagapi kailan pa man
Maghirap man o magbuwis ng buhay
Sa pakikibaka tiyak magtatagumpay
Itoy araw ng kabayanihan
Tayoy di magagapi kailan pa man
Maghirap man o magbuwis ng buhay
Sa pakikibaka tiyak magtatagumpay
Ang kalabay maglaan anumang bitag
Pagdusta, parusa o pamamaslang
Itakwil antin lahat ang pahirap
Kaapihan atin nang bigyang wakas
Ang katarungan ay ating lakas
Koro:
Itoy araw ng kabayanihan
Tayoy di magagapi kailan pa man
Maghirap man o magbuwis ng buhay
Sa pakikibaka tiyak magtatagumpay
Bayan Naming Minamahal
Patatag
I
Bayan naming minamahal
bayan naming Pilipinas
Ang buhay ay puhunanin
makamtan lang ang kalayaan
Bayan naming minumutya
kamiy handang magpakasakit
ang buhay ay nakalaan
dahil sa iyo o aking bayan
II
Perlas ka ng silangan
may likas kang kayamanan
Dahil ditoy sinakop ka
ng mga dayuhan
Kaya dapat kang magtanggol
Lumaban ka o aking bayan
Ulitin ang II
DAKILANG PAKIKIBAKA
I
Ang dakilang pakikibaka ay nagsimula
Sa anakpawis na nagpupunla at gumagawa
Na ngayoy nagpasyang lagutin ang tanikala
II
Daang libong bandilay iwagayway
Ibagsak ang haligi ng dayong kaaway
Mga berdugong sa tiy pumapatay
dudurugin hanggang sa tagumpay
Ahh, ahaha
III
Ang bawat adhikai y di malulupig
palayain ang sambayanan
Sa mapagsamantala at ganid
Ito na ang panahong magkapitbisig
IV
Ang digmaang nangyayari ngayon
Karugtong ng digmaang nagmula pa noon
Ang kalayaang nilalayon
Magaganap sa huling paghuhukom
( repeat II )
SUMULONG KA ANAKPAWIS
Sumulong ka, anakpawis
Wag alintanain ang sugat sa dibdib
Wala ng ibang makalulunas
Sa iyong mga paghihirap
Kundi ikaw sa yong mga palad
Kung tayo may malalagasan
Tibayan mo ang kalooban
Sapagkat nasa atin ang tiwala
Ng buong sambayanan
AWIT NG PAG-ASA
Kahit kay haba ng lalakbayin
Daang tag-araw man ang humagupit
Kahit ilang libong tag-ulan ang sumapit
Hinding-hindi tayo titigil
Dahil mithi natiy palayain
Bawat isa sa pagka-alipin
Sa gitna man ng gutom, kahirapat pasakit
Hinding-hindi tayo susuko
koro:
Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libo-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
Kahit hadlangan ng libong armas
Ang ating hukbo ay hindi aatras
Ang lakas ng masa ang ating sandigan
san mang larangat digmaan
Koro:
Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libo-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libo-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
|
|
|

|
|
|

|
SINO SI ARMANDO?
ANG TITULO ng aklat ay simpleng Armando. Ni walang teaser o kicker. Malamang na mismong ang sumulat ang nagtakda ng titulo.
Si Jun Cruz Reyes ay kilala sa kanyang payak ngunit tumbok na paghahabi ng mga salita. Premyadong manunulat si Reyes. Mahabang
listahan ang mabubuo kung ihahanay ang mga premyo niya, kabilang, syempre, ang ilang ulit na Palanca. Kasalukuyan siyang associate
sa Institute of Creative Writing ng UP. Nagtuturo rin siya sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa pamantasang
ito. Maigsi lang ang kanyang talumpati sa paglulunsad ng kanyang ikawalong aklat nitong Hunyo 27 sa Faculty Center, UP Diliman.
Ang mahabang talumpati ay ang kay Ada, ang biyuda ni Armando. At ang kahabaan ng pananalita ay inilaan niya sa paglilitanya
ng mapapait na himutok na pumutakti sa kanilang mahabang-maigsing pagiging mag-asawa. Sa pakikinig sa kanya, hindi malayong
sumaloob ng mga tao sa bulwagan ang maraming tanong sa viability, Wika nga, ng pag-iibigan sa loob ng isang kilusang nagsasantabi
sa sarili at mas nagpapahalaga sa iba.
Hindi alam ng mga dumalo sa book launching kung natapos o hindi ni Ada ang kanyang talumpati, dahil siya ay napaiyak na,
at hindi na nakaya pang magpatuloy. Gayunman, nagawa pa rin niyang ibulalas ang pagmamahal sa asawang namatay, at ang panghihinayang
na si Armando ay nawala na nang tuluyan sa yugtong sa wari ay may tibay na ang kanilang relasyon.
Hindi lamang si Ada ang nanghinayang. Ang buong kilusan ay nagluksa. Si Armando Teng, sa kabila ng kanyang mga limitasyon
at ng paghihimutok ni Ada, ay isang mapamamarisang rebolusyonaryo. Nagsimula bilang karaniwang aktibista ng henerasyong 1970,
si Armando ay gumampan ng ibat ibang tungkulin sa Communist Party of the Philippines, kabilang ang pagiging miyembro ng Komite
Sentral ng partidong sa mata ng kasalukuyang dispensasyon ay terorista.
Makabuluhan ang aklat na ito, laluna sa gitna ng mga kasalukuyang pangyayari sa bansa, laluna para sa mga umiibig sa bayan
habang umiirog ang pribadong puso. Ang sinisipi sa ibaba ay bahagi ng ikapitong kabanata ng aklat, publikasyon ng Amado V.
Hernandez Resource Center.
Mabibili ang Armando sa opisina ng AVHRC, UCCP Building, Edsa, Quezon City.
Ang Rebolusyonaryong Pag-ibig
SETYEMBRE 1976 nang makatakas sya sa kulungan. Matapos nooy dalawang taong nawalan ng komunikasyon sa asawa. Malalaki
na ang kanilang anak. Ang ikalawa na halos anim na buwan lamang nang una at huling makita ng ama ay malaki na rin. Hindi na
sya kilala ng mga bata. Ang laging tanong sa ina ay kung nasaan na ang kanilang tatay. Ang sagot naman ng ina ay nandoon sa
probinsya at tumutulong sa mga magsasaka. Mabait na tao ang tatay nyo at matulungin sa mahihirap. Mahal na mahal kayo ng tatay
nyo. Tanging isang maliit na litrato lamang ang ipinakita ng ina sa mga anak. Bago matulog, kinakausap nila ang litrato. Saka
nila sinasabing, Mahal ka namin Tatay.
Ilang beses tinangka ni Ada na magpaabot ng sulat sa asawa. Bumabalik ang mga sulat. 1978 na nang makabalita sya kung
nasaan ang asawa. Itinakda ang kanilang pagkikita. Pumasok ng sona si Ada. Dama nya ang pananabik ng asawa. Nakiusap ito sa
asawa na magtagal sa sona, kahit ilang araw lang. Pero nagdesisyon na si Ada na lalabas din agad kinabukasan. Inaalala nya
ang kakainin ng mga naiwang anak. Hindi napigilan ni Mando ang asawa.
Nang sumunod na taon na sila muling nagkita. Sa pagkakataong ito ay nagtagal si Ada ng ilang araw. Nagmungkahi si Armando,
na sa wakas ay ituloy na nila ang naudlot na kasal. Noon pang 1973 nila iyon binalak, hindi natuloy dahil nahuli ng militar
ang magkakasal sa kanila. Ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na balak. Sa partido pa rin sila magpapakasal. Hindi nakakibo
si Ada. Nandoon pa rin ang pag-aalinlangan. Iniisip pa rin kung mahal nga kaya sya at mga anak nila ni Mando. Mungkahi ni
Mando ay lagumin muna ang relasyon. Iyon man ay pinag-iisipang mabuti ni Ada. Anong lalagumin? Kung tutuusiy wala namang pagsasamang
naganap. Marami pang puntong hindi nila mapagkaisahan. Abot ang paliwanag ni Mando kung bakit nagkaganoon ang itinakbo ng
kanilang pagsasama. Totoong maraming personal na problema. Naroroon din ang tungkulin nya bilang kadre. Mahirap iyong pag-isahin.
Sya man ay malungkot din. Hinahanap-hanap ang asawa at mga anak sa mga gabi ng pag-iisa. Kahit sa pagtulog ay kailangan din
nyang madama ang pagmamahal. Mahirap at malungkot ang malayo sa minamahal. Sabi ni Mando, Hanggang ngayon, pinatutunayan kong
ikaw lamang ang babae sa puso ko. Walang ibang babaeng nasabitan ko.
Nagtatalo pa rin ang isip ni Ada. Paano sya maniniwala? Ang pag-ibig ay pagsasama, hindi panay pang-unawa. Ang puso ay
nakasudlong din sa bituka. Magkakasudlong ang mga bituka ng mga nagmamahalan. Naranasan na nyang magutom at ng kanyang dalawang
anak. Naranasan nyang manguha ng kaning-baboy para ibenta. Pati ang magtinda ng supot sa palengke. Sa panahong iginagapang
nya ang sarili at mga anak, wala syang natanggap kahit balita ng pangungumusta. Hindi sya kailanman tinanong ng asawa kung
paano sila nabubuhay. Kung paano na ang kalagayan nila. Kung nagkakasakit ang mga bata, anong ginagawa nyang paraan sa buhay?
Paano nya ito napalaking mag-isa? May mga tumutulong, pero iyo ay tulong lamang para maibsang pan-samantala ang paghihikahos.
Mahirap lutasing mag-isa ang pang-araw-araw na problema.
Hindi pa man natatapos ang paglalagom ay inihahanda na ang gaganaping kasalan. Waring nagbabayad ng panahon si Armando.
Ang kanyang mga pagkukulang ay pinapalitan nya ng masigabong pagmamahal. Pusong pinatigas ng tampo, puso ring pinalalambot
ng karinyo. Sa wakas, natuloy rin ang kasal. Makalipas ang ilang araw, palinawagan na naman. Sabi ni Mando, Hindi ka naniniwalang
mahal kita at wala nang ibang mamahalin? Patunay, kahit wala ka sa tabi ko, hindi ako naakit sa kanino mang babae. Patutunayan
ko iyon sa iyo habambuhay. Anuman ang pagkukulang ko sa iyo at sa ating mga anak, pagsisikapan kong makabawi.
Siguroy sa pagkakataon ding iyoy binubuo na ni Mando ang kanyang ideya sa inaambisyong pagtatayo ng isang rebolusyonaryong
pamilya. Pag-iisahin ang pag-ibig at pakikisangkot. Sa labanang iyoy walang dapat isakripisyo. Isusulong nya sa mas mataas
na antas ang pagpapamilya. Ngayong nalampasan na nya ang personal na problema, sisikapin naman nyang bumuo ng pamilyang pinag-iisa
ang mga usaping personal at pulitikal. Ang pamilya ay isa ring kasama, pinangangalagaan at ipinaglalaban.
Pinagplanuhan nila ang gagawing pagbisita ng mga bata. Aakyat ng bundok ang mga ito para sila magkasama-sama matapos ang
mahabang panahon. Maglilimang taon na ang kanyang panganay at magtatatlo naman ang pangalawa. Tuwang-tuwa ang mga bata, na
sa wakas, ang taong kilala lamang nila sa litrato ay makikita na nila nang personal. Pero nawala ang tuwa nang dumating sila
sa kampo. Malayo ang kalooban ng mga bata, naghihinanakit din ang mga bata, at iyoy hindi nila ikinukubli. Nasaktan si Mando
sa gawi ng mga anak. Dama nya ang bunga ng kanyang pagkukulang.
Gumawa sya ng mga paraan para mapalapit sa mga bata. Naroong manguha sya ng mga prutas, isakay ang mga bata sa kalabaw,
ang isama ang mga ito sa paliligo sa sapa. Patuloy nyang kinakausap ang mga bata. Nilalambing. Hanggang dumating ang pinakaaasam-asam.
Nagtanong ang anak.
Ikaw ba talaga ang tatay namin? Bakit hindi ka umuuwi sa amin?
Matyaga nya iyong sinagot at ipinaliwanag kung bakit. Bago sila naghiwa-hiwalay, malapit na ang loob ng mga bata sa kanya.
Iyon ang isa sa pinakamasayang sandali na naranasan nya sa buhay. Buo na naman ang kanyang pamilya.
Gawing 1980 nagdisisyon si Ada na magpupultaym sa sona. Ngayon, kahit na paanoy madalas na silang magkitang mag-asawa
kung ikukumpara sa dating halos taunang pagkikita. Nagkikita sila kapag napapadaan si Mando sa eryang kinikilusan ni Ada.
Malaki ang iniunlad ng relasyon. Mas higit na naging maalalahanin si Mando. At naging higit na romantiko. Tinutoo ang pangako
sa kabiyak. Basta may pagkakataon, dinadalaw nya ang asawa, laging dinadalhan ng kahit na anong bagay, laluna ng pagkain.
Naroon ding inaaliw ang asawa, la lunat sinasabi nitong naaalala ang iniwang mga anak, kapag nakakanti ng damdaming ina.
Kapag nagkakalayo, laging may dumarating na mumunting sulat kay Ada. Punung-puno iyon ng pagmamahal. Bumabawi nga si Mando
sa kanyang pagkukulang. Ngayong pareho na silang kumikilos sa larangan, nagkaroon ng redepinisyon ang pag-ibig. Isinasabuhay
ang mahal kita, tulad ng pagmamahal ko sa masa at sa inang bayan. Ang personal na pag-ibig ay bahagi rin ng mas malaking pag-ibig,
ang bayan. Hindi kailangang maging makasarili ang pagmamahalan sa loob ng kilusan. Ang asaway kasama ring minamahal. Noo’y
hindi maipadama ni Mando ang pagmamahal nya. Kulang siya sa mga patunay. Ngayong pareho na silang pultaym sa sona, mas tumatatag
ang mga unawaan. Mas matingkad at matatag ang kanilang pagmamahalan. At silay hindi na mga bata, pero masigabo ang bagong
yugto ng pag-ibig.
Permanente ang relasyon sa kilusan. Pinoprograma iyon, pati na ang usapin ng paghihiwalay, kung kinakailangan. Ang hindi
permanente ay ang larangang kinikilusan. Noong 1981, inilipat si Mando sa hangganan ng Bicol at Quezon. Akala ni Aday maghihiwalay
na naman sila. Laking gulat nya nang malamang pati syay ililipat din ng gawain. Hiniling pala iyon ni Mando, na pagsamahin
sila sa iisang kikilusang lugar. Naroon na ang kanyang sundo. Naghihintay ang byahe. Natutuwang nalulungkot si Ada. Sa panahong
iyon, dalawang taon na nilang hindi nakikita ang mga bata, dahil walang maayos na komunikasyon. Wala man ang mga anak, naroroon
naman ang isat isa. At ang dalawang anak ay nasundan pa ng isa.
BF Ilagan
Rebyu, Armando
Aklat na isinulat ni JunCruz Reyes
Inilimbag ng Amado V. Hernandez Resource Cente (AVHRC)
rebyu, Armando, Pinoy Weekly
|
Ang Kwento ng Mayo Uno
|

MAYO
UNO
|
Sa bansa, ang Mayo 1 ay ipinagdiriwang bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Para sa uring manggagawa, ang
Mayo 1 ay hindi lamang simpleng pagdiriwang sa Araw ng Paggawa, ito rin ay isang pagkakataon ng pagpapahayag ng muling paninindigan
laban sa mapagsamantala at mapang-aping sistemang pambansa na pinaghaharian ng malalaking dayuhang kapitalista, komprador
burgesya at panginoong maylupa. Isa rin itong dakilang pagkakataong gunitain ang makasaysayang okasyong naganap sa Hay Market
Square sa Chicago, Estados Unidos noong 1886.
Higit nating mauunawaan ang kahalagahan ng pagdakila sa Araw ng Paggawa kung babalikan natin ang naganap sa araw na ito.
Noong Mayo 1, 1886, nagwelga ang mahigit na 190,000 manggagawa sa Chicago at karatig-pook nito. Nauna rito, may humigit-kumulang
na 1,400 manggagawa ng McCormick Dealer Works, pag-aari ng negosyanteng si Cyrus McCormick, ang nag-welga dahil sa hindi pagpapatupad
ng umiiral na batas na walong oras na trabaho, pagwasak ng unyon at pagtatanggal sa trabaho sa mga lider ng unyon.
Bilang tugon sa kahilingan ng mga unyonista, isinara ni McCormick ang planta, umupa ng mga "goons" at eskirol,
at winasak ang piketlayn. Umupa din siya ng 300 "pinkertons" (security guard) upang madagdagan ang pulis ng Chicago
na nagbabantay sa pagawaan. Dahil sa pagdating ng mga armadong guwardiya at nakaporma na parang mananagupa, nagkaroon ng malaking
tensyon.
Ayon kay Herbert Harris ay ganito ang sumunod na mga pangyayari:
"Noong Lunes ng hapon, May 3, 1886, tatlong buwan matapos maisara ang kumpanya ni McCormick, isang rali ang isinagawa
ng mga nagwewelga sa lagarian ng kahoy sa Black Road, 500 yarda ang layo sa planta ni McCormick. Napukaw sila sa talumpati
ng lider-manggagawang si August Spies. 200 welgista, ang lubhang natangay ng talumpati, galit na humiwalay sa rali at nagtungo
sa planta ni McCormick. Kinantiyawan at sinigawan nila ang mga "goons" at eskirol na papauwi na matapos ang trabaho.
Nagkasakitan. Gumanti naman ang mga "goons" at eskirol.
Bago dumating ang mga pulis, umabot sa 200 ang biktima sa naganap na karahasan. Ang malakas na sirena ay nakatawag-pansin
sa mga manggagawa na noon ay nakikinig pa sa talumpati ni Spies, at dahil dito, sabay-sabay silang sumugod upang malaman ang
nangyayari.
Nakita ng mga pulis ang kanilang dumaragsang pagdating at walang pakundangang pinaputukan ang mga manggagawa. Tumakbo
ang mga manggagawa sa iba't ibang direksyon. Hinabol sila ng putok ng mga pulis. Namatay ang apat at nasugatan ang mahigit
sa dalawampung manggagawa. Dahil sa karahasang naganap, nag-alab ang damdamin ni Spies. Mabilis siyang nagtungo sa imprenta
ni Oscar Neebe, kasosyo sa imprentang Arbeiter Zeitung, at sumulat ng propagandang may pamagat na "Manggagawa! Mag-armas!"
Ipinahayag niya ang ganito: "Kung kayo ay tunay na anak ng manggagawa na nagbuhos ng dugo upang kayo ay makalaya,
dapat kayong bumangon nang buong tapang at wasakin ang mga halimaw na nais lumamon sa inyo." Sinundan ito ng isa pang
polyeto.Sa pagkakataong ito ay nanawagan si Spies ng isang miting-protesta upang ilantad ang pinakahuling kabuhungan ng mga
pulis. Ang lugar ng pagpupulong ay sa Hay Market Square sa Chicago noong Mayo 4, 1886.
Sa Paris, France noong 1889, sa isang kumperensya ng mga lider manggagawa mula sa iba't ibang bayan, kinilala ang kabayanihan
ng mga manggagawa. Itinakda ang Mayo 1 bilang Araw ng Pandaigdigang Pakikibaka ng mga Manggagawa.
Nagsimula ang miting ng alas-8 ng gabi na pinahintulutan ni Mayor Carter H. Harrison ng Chicago. Dinaluhan ito ng mahigit
3,000 manggagawang babae at lalaki. Nagsalita si Spies at kinondena niya ang karahasan ng estado at ang bulag na pagsunod
nito sa kagustuhan ng mga kapitalista. Binatikos din niya ang sabwatan ng pamahalaan at namumuhunan.
Sinubaybayan ng isa pang lider-manggagawa na si Albert Parson si Spies habang ito'y nagtatalumpati.
Subalit ilang saglit lamang matapos lumisan si Mayor Harrison, idinispatsa ni John Bonfield, pansamantalang pinuno ng
pulisya (at kinamumuhian ng mga manggagawa sa pagiging maton), ang 200 pulis na tumungo sa pinagdarausan ng miting. Mayroon
na lamang 500 katao noon na matamang nakikinig kay Samuel Fieldman, ang huling tagapagsalita.
Ilang saglit ay sumigaw si John Bonfield ng "Disperse!" (o "Maghiwa-hiwalay na!). Biglang nagkaroon ng
malakas na pagsabog, na ikinagulantang ng lahat. Nagpaputok ang mga pulis nang walang patumangga.
Pagkaraan ng umaatikabong putukan ay nakitang nakahandusay kung saan-saang bahagi ng lansangan ang duguang mga manggagawa.
Dalawandaang manggagawa ang namatay noon din sa masaker. Hindi mabilang ang sugatan, at ilan pa ang namatay sa pagamutan makalipas
ang ilang araw.
Sa panig ng mga pulis, 67 ang nasugatan, pito ang grabe at ilan ang namatay makalipas ang ilang araw.
Ang kaguluhan ay ibinintang sa mga lider-manggagawa. Nag-imbento ng kaso ang mga pulis at nagtanim ng mga ebidensya.
Naging mabigat ang depensa para sa mga pinagbintangan, gayong maliwanag na hindi totoo ang mga ebidensya. Sa tuwing sila'y
tatanungin ay hindi nila mapigilan ang pag-atake at pagkondena sa estado.
Pito ang nahatulan ng kamatayan. Ito ay sina Spies, Fielden, Lingg, Schwab, Engel, Fischer at Parsons.
Ang kalunos-lunos na pangyayaring ito ay umalingawngaw sa lahat ng mga manggagawa. Naging usap-usapan sa iba't ibang panig
ng daigdig, at naging batayan ng kilusang paggawa upang paigtingin ang kanilang hanay at pagkilos.
May ilang sumisi kay Spies at pinaratangan siyang anarkista. Subalit ang kanyang sinimulan ay dinakila ng mga lider-obrerong
naniniwala sa tunay na unyonismo.
Sa Paris, France noong 1889, sa isang kumperensya ng mga lider manggagawa mula sa iba't ibang bayan, kinilala ang kabayanihan
ng mga manggagawa. Itinakda ang Mayo 1 bilang Araw ng Pandaigdigang Pakikibaka ng mga Manggagawa.
Sa Pilipinas naman noong 1902, hinimok na ni Dr. Dominador Gomez ang mga manggagawang Pilipino na gawing Pambansang Araw
ng Paggawa ang makasaysayang Mayo 1.
|
 |
 |

|
Ang Kwento ng Marso 8
Noong ika-19 na siglo, panahon ng Rebolusyong pang-industriya, namayani ang di makataong kondisyon sa mga pagawaan. Nariyan
ang mababang pasahod at 12 oras na pagtatrabaho. Ang mga ito ang nagtulak sa mga manggagawang maglunsad ng mga kilos-protesta
sa lansangan.
Ang kauna-unahang kilos-protestang inilunsad ng mga kababaihang manggagawa ay naganap sa lansangan ng New York. Karamihan
ay nagmula sa pagawaan ng tela o garment workers. Daan-daang kababaihan ang lumahok dito at sa pag-atake ng mga pulis, marami
sa kanila ang nasaktan at inaresto. Naganap ito noong Marso 8, 1857.
Noong Marso 8, 1908, umabot sa 15,000 kababaihan ang muling nagmartsa sa lansangan ng New York. Hiniling nila ang maikling
oras na pagtatrabaho, sapat na sahod, karapatang bumoto at pagtigil sa paggamit sa mga batang manggagawa. Dito ginamit ang
islogan na "Bread and Roses" (Tinapay at Rosas), kung saan ang tinapay ang simbolo ng pang-ekonomyang seguridad
at ang rosas naman ay sumisimbolo sa mas mabuting kalidad ng pamumuhay.
Mayo 1908, kinilala ng Socialist Party of America ang huling linggo ng Pebrero bilang National Womens' day upang hindi
maging kabawasan sa araw ng pagtatrabaho. Kaya Pebrero 28, 1909, ipinagdiwang ang Pambansang Araw ng Kababaihan sa US. Tumagal
ito hanggang hanggang 1913.
Noong 1910, sa Copenhagen, Denmark nagkaroon ng pandaigdigang kumperensya ang mga sosyalistang organisasyon o ang tinatawag
na Pandaigdigang Kilusan ng Manggagawa. Iminungkahi dito ni Clara Zetkin, isang sosyalistang Aleman at lider-manggagawa, na
kilalanin ang araw ng kababaihan bilang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Manggagawa.
Taong 1911, sinimulang ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa iba't ibang bansa gaya ng Austria, Denmark,
Germany at Switzerland. Marso 19 ng taong ito, naglunsad uli ng kilos-protesta ang mga kababaihan. Kanilang hiniling ang karapatang
bumoto at lumahok sa parliyamento, ang karapatang magtrabaho at paglaban sa diskriminasyon sa mga pagawaan.
Marso 25, nasunog ang Triangle Shirtwaist Co., sa New York. Namatay dito ang 140 kababaihang manggagawa na karamihan ay
mga batang Italyana at mga migranteng Hudyo. Nang sumiklab ang sunog, marami ang hindi nakalabas dahil sa pagkakandado sa
kanila sa oras ng trabaho. Ang ilan ay tumalon sa bintana na kanilang ikinasawi. Tinawag nila itong Triangle Fire. Nilahukan
ng mahigit 100,000 mamamayan ang funeral march ng mga nasawi sa sunog.
Bilang bahagi ng pakikibaka para sa kapayapaan noong World War I, sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagdiwang ng mga
kababaihan sa Russia ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong huling linggo ng Pebrero 1913. Sumunod na taon, Marso 8, naglunsad
ng mga kilos-protesta ang kababaihan sa iba't ibang bahagi ng Europa bilang pagbibigay suporta sa mga kababaihan ng Russia
at pagtuligsa sa giyera.
Di man pinahintulutan ng pamahalaang Ruso, noong huling linggo ng Pebrero 1917, naglunsad pa rin ng kilos-protesta ang
mga kababaihan na tinawag nilang "Bread and Peace". Nagprotesta sila laban sa pagtaas ng presyo ng bilihin, tanggalan
sa pagawaan at sa giyera.
Pagkaraan ng apat na araw, Pebrero 23, sa kalendaryong Julian, pinahintulutan na ang kababaihan na bumoto. Marso 8 naman
ito sa kalendaryong Gregorian na kasalukuyan nating ginagamit.
Taong 1922, sa tulong ni Clara Zetkin, kinilala ni Lenin ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan bilang Communist Holiday.
Ganun din ang China at ang ibat-ibang bansa sa Europa. Pagkaraan ng World War II, tanging ang mga sosyalistang bansa at organisasyon
ang nagpatuloy sa padiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Tumagal ito hanggang 1960's sa tinatawag na panahon ng "Cold
War".
Disyembre 1977, tinangkilik ng United Nations General Assembly ang Marso 8 bilang United Nations Day for Women's Rights
and International Peace. Kaya lang usapin lamang ng gender ang binigyang halaga sa pagdiriwang ng naturang araw. Isinantabi
ang makauri at makasaysayang kahulugan nito bilang araw ng kababaihang manggagawa.
Marso 8, 1971, sa pamamagitan ng isang kilos-protesta laban sa kahirapan, unang ginunita ang araw ng kababaihan dito sa
Pilipinas. Pinangunahan ito ng Katipunan ng Bagong Kababaihan (KATIPUNAN). Nasa pamumuno ito ng MAKIBAKA na binubuo ng mga
nanay mula sa maralitang lunsod at kabataang estudyante kasama ang Kabataang Makabayan - Women's Bureau at SDK o Samahan ng
Demokratikong Kabataan. Naglabas sila noon ng pahayag na lumabas sa Marso 8, 1971 issue ng Manila Times . Pinamagatan itong
RP Women Join Liberation Front. Karamihan sa mga kasapi nito ay nag-underground matapos ideklara ang Batas Militar noong 1972.
Marso 1983 muling ipinagdiwang ang militanteng paggunita sa araw ng kababaihan ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK).
Noong 1984, nakilahok dito ang GABRIELA. Sa kalukuyan ay pinangungunahan na ng Gabriela, isang alyansa ng mga organisasyon
ng kababaihan mula sa hanay ng manggagawa, magsasaka, maralitang lunsod at kabataang estudyante, ang paggunita sa araw ng
kababaihan.
|
|
 |
 |
SORRY PAGE NOT FININISHED YET
|